Babaero Pick-up Moves : Grocery



Isa sa mga ayos dumiskarte na lugar, sa mga grocery.
Medyo alanganin minsan dahil malamang ang mga babae dito, hindi ineexpect na kausapin sila ng kahit sino, ‘Di katulad sa mga club o mga gimikan.
Pero dahil Tatak Babaero, hindi magiging nakakatakot ang dating kapag makikipag-usap. Malakas ang dating. Malupet ang delivery sa mga banat. Mabango. Magaling umarte.

Unang style, tumabi sa babae habang may pinipili o binabasa o tinitignan na kung anong pagkain o gamit.
Dapat may distansya at hindi tinitignan ang babae. Parang wala kang pakialam.
Kumuha din nung tinitignan niyang pagkain at magkunwari na binabasa din kung ano man yung nakasulat.
Obserbahan kung kinuha nung babae yung pagkain at kapag kinuha, tumingin sa direction ng basket niya, at bumanat kagad ng, “hey, mukhang bibilhin mo yan ah, nakain mo na ba dati yan? ok naman? na-addict ka ba dyan? Kasi may children’s party akong inaayos, para sa pamangkin ko, magugustuhan kaya yan ng mga bata? Healthy ba yan? etc. ”
(ang punto dito, magtanong ng kahit ano na tungkol sa pagkain, magimbento, kumuha ng opinyon o advice galing sa babae.)
Dahil gustong gusto magbigay ng advice ng mga babae, pasok ka dyan.

Isa pang style, tumabi din sa babae habang nakahinto siya at may tinitignan, pansinin yung laman ng basket niya at pumuna ng kahit anong nakalagay sa loob. Tanungin ulet kung ok yung product na yun.
Pagkatapos niyang mag-advice, pumansin ulet ng isa pang pagkain sa basket niya at bumanat ng “Sabi nila, you are what you eat, ayos ah, bibili ka ng fiber, healthy living, effective naman ba yang diet mo? hindi ka naman hinihimatay sa gutom?” etc.

Kapag naging okay ang usapan tungkol sa mga pagkain, tapos napapatawa din yung babae, banatan ng “salamat sa mga advices mo ha, malaking tulong sakin, mukhang magandang klase ng karne nga ‘to, (kung kunwari nasa meat section kayo), sasarap na mga luto ko. Para makabawi, lulutuan kita, siguro one time, invite kita, kape, tapos dalhan kita ng niluto ko. Tapos kapag close na tayo, one time, sa bahay magcocooking show ako sa harapan mo.”

Basta sa mga grocery stores, maging mapansin lang. Lalo na sa mga binili ng babae at yun ang gamitin para makipag-usap. Maging friendly ang dating at ngumiti lagi. Dapat magbitbit ng mga jokes para tumuloy tuloy ang usapan.

.

2 responses to “Babaero Pick-up Moves : Grocery

  1. Title ng Movie “Cashback” hehehe. Ganda ng Movie na to Yung nakikita nyong lalaki dyan na nakablack sya yung Bida hehehe 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s