Babaero Moves : Valentine’s Day Tips



Ayan na, Valentine’s day na. Madami kang babae. Sigurado karamihan sa mga babae mo, gusto sila kasama mo sa araw na ‘to.
Pero don’t panic.
Kaya may Babaero Moves, para tulungan ka.

Mga points to consider :
1. I-priority yayain sa valentines ang mga babaeng nakikita mo araw-araw.
2. Days before ng valentines, dapat nagpaparinig ka na sa babae na sobrang dami ng trabaho ngayong february. Lagi nag-oovertime. Sa mga estudyante, maraming projects.
3. Magplano sa araw ng valentines. Malupet na Schedule ang susundan. Malupet na Time Management.
4. Maghanda ng mga linya para palusot. Yung sobrang paniniwalaan ng babae.
(Example, Hon, sa Feb14 wala pa budget, sa Feb15 na lang tayo lumabas, para sweldo.)
5. Magplano kung saan pupunta o pla-placing. Murang Restaurant o Hotel (sa mga nagtitipid)
6. Ang babaeng isasama sa dinner ay yung babaeng siguradong makaka-score ka.
7. Kung hindi mamemeet ang babae mo, tawagan sa cell, huwag lang text. Patagalin ang usapan sa telepono. Valentines eh.
8. Ingatan ang lugar kung saan pagdadalhan ang mga babae mo, para walang makakita.
9. Safe Sex
10. Gawing reyna ang babae, kahit ngayong valentines lang, para pumuntos. Dahil sa mga susunod na mga araw, malamang ikaw ulet ang hari.

Ngayon para sa araw ng Valentines, ganito ang game plan :

Breakfast, Lunch, Dinner. Tatlong babae din yan na pwedeng samahan sa valentines.
(Kapag lagpas sa 3 ang mga babae, maghanda na ng mga linya para palusot sa iba)

Madali ang Breakfast, i-surprise ng breakfast ang babae mo. Pagkagising nya.
Bahala ka na kung gusto mong bigyan ng bulaklak.
Pero hindi ka pwedeng magtagal, kasi may pasok ka pa.
Dapat bago pa mag-valentines, nasabi mo na sa babae-01 na sobrang busy ka ngayon sa trabaho at sigurado ang overtime.
At nasabing valentines breakfast date na lang ang gagawin.
Sa ganito, hindi na siya maghahanap pa ng dinner.
(malaking effort na yung dalhan ng breakfast ang babae mo, kaya pwedeng makakuha ng quickie.)

Sa lunch, malamang, hanggang meryenda na kayo magkasama ng babae-02 mo.
(Kaya huwag na mag-schedule ng babae sa meryenda time. Baka hindi ka umabot.)
Sabihin na lang na madami ka pang gagawin para kinabukasan kaya uwi ka kaagad. Sobrang aga ka papasok, mga 4am. Mahirap mapuyat.

Sa Dinner time, sa babaeng pinakanakakalibog ibigay ang oras na ito. Babae-03.
Dahil malamang, siya na kasama mo buong gabi. Kahit makarami kayo ng rounds, at least wala ka na iisipin na ibang babae na dapat samahan sa valentines day.

Tandaan,
Ang valentines day ay araw para sa mga babae.
Kung gusto iparamdam sa mga babae na importante sila, bigyan sila ng oras sa araw na ‘to.
Lahat ng babae dyan, gusto nila na may masasabi silang “ok naman date ko nung valentines” sa mga kaibigan nya.
Nagtanong pa kami sa mga babae, kapag dinidiskartehan sila ng mga lalake, dapat lang na mayaya sila sa valentines, dahil kung hindi maaaring mag-assume sila na merong mas importanteng babae kang kasama sa araw na yun.
Kaya samantalahin.

Maligayang araw ng sibak at puso sa mga babaero dyan.

Source of Pic

.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s